LOVE is BLOG (Doctor Eamer)

 200.00

To buy this book, send an inquiry at our email address (admin@bookshelf.ph). Thank you!

From The Bookshelf
Category: Tag:

Description

The title is catchy. Love is BLOG; well, who wouldn’t be curious of what’s inside this book? Aside from love which is a really phenomenal word, there’s blog printed in capital so I bet there’s really a meaning behind it (because I’m obviously a blogger). It has a weird page numbering. One thing that I can only say is, the author thinks differently! (haha) You’ve got a creativity there. But the texts are so readable that my Dad can read it without his reading glasses. You would get a lot of principles. Dear Dr. Eamer, how old are you really? This is not just a plain story or a plain book. In every part of the story, you will surely get something.

Magandang araw! Magandang buhay!:)

Bilang patunay na nagustuhan ko ang libro ni Dr. Eamer, eto ang aking masayang pag-kritiko sa kanyang unang obra. 😉 Ang review na ito ay pinagtuunan ko ng malalim na atensyon at masusing pag-aaral. #EdiWow

1. Pisikal

  • Maganda ang front cover page; may igaganda pa ang back cover page.
  • Nakakapandilat ng mga mata ang font size ng mga titik sa bawat pahina. Pero akma naman for all ages, hehehe!

 2. Mental

  • Napakalikot ng isip ng may-akda ng librong ito. You are warned. 
  • Maraming analogies. Maraming pa-deep (na di naman talaga ganun ka-deep, pero sapat para makapagtrabaho ang mga neurons mo.)
  • Hindi mo matatapos ang librong ito nang hindi ka mai-inspire na mag-isip in a different way.

3. Emosyonal

  • Nakakaantig ng damdamin. Pero hindi yung nakakaiyak naman; nakakagising ng diwa ba. Yung mga emosyong akala mo ay ikaw lang ang nakakaramdam ay mare-realize mong marami pala kayong “assuming/feelingera/paasa/umaasa” at marami pang iba na malalaman mo lang kung babasahin mo ang libro.
  • Dahil lalaki ang may akda ng libro, expected na straightforward sa paglalahad ng mga testamento at pahayag ang mababasa mo. Hindi siya paligoy-ligoy sa mga gusto niyang tumbukin. Kaya kung ikaw ay isang mambabasang mahilig pa sa larong denial, matututo kang i-appreciate ang pagharap sa katotohanan agad-agad! #LOVEisBLOG
  • MATATAWA KA. Pramis. Sasaya ang puso mo. Mabubuhayan ka ng loob. Awayin mo na ako kapag hindi ka natawa o napangiti kahit isang beses lang sa pagbabasa mo. Peksman. Kahit pa chill & light lang na tema ng libro ang hanap mo, nire-rekomenda ko sa’yo ang “Love is Blog!”

4. Pinansyal

  • Magandang investment para sa karunungan, sa paggawa ng koneksyon sa mga kapwa mo kabataan, sa pag-inspire at pag-encourage sa mga kaibigan mo, panregalo sa mga teens, at sa puso mong sugatan/nalilito/nagugulumihanan/nawiwindang/napa-praning at maraming maraming mara…iba pa.

5. Espiritwal

  • What can I say? Love is really about B.L.O.G. #alamin

Source: bonvoyagedoc.wordpress.com

Reviews

There are no reviews yet.

Be the first to review “LOVE is BLOG (Doctor Eamer)”

Your email address will not be published. Required fields are marked *



Close